![]()
Fore & Aft Newsletter Vol. III No.
10 - October - December 2001![]()
.
..
MASS FOR THE HOLY SOULS
ST. PANCRATIUS CHURCH, LA LOMA, Q.C.
NOVEMBER 2, 2001
The following is the homily of Bishop Soc Villegas:
Kapag kayo ay namatay, at tinitiyak ko sa inyong kayo ay mamamatay, ano ang paniwala ninyo? Makakapasok ba kayo sa langit? Paano kayo makakapasok sa langit? Paano ninyo makikita ang Diyos kapag namatay na kayo? Ang pangkaraniwan ninyong sagot ay: "Nagdarasal naman ho ako. Wala naman ho akong pinatay. Wala naman ho akong pinagnakawan. Nagsisimba ho ako. Nagkukumpisal ho ako sa tamang panahon. Tumutulong ako sa mga mahihirap, at nagdodonate sa aming parish. Sabihin na natin, Father. palagay ko, makakapasok ho ako sa langit nang dahil sa mga ito."
Ikinalulungkot kong sabihin sa inyo na "Hindi." Ito pong mga bagay na ito ay hindi sapat na dahilan upang, kapag kayo ay namatay, makakapasok kayo sa langit. Ito hong mga bagay na ito ay hindi sapat upang sabihin natin na tiyak na tiyak, 100%, maaari akong pumasok sa langit kapag ako ay yumao na. Bakit? Sapagkat ang langit ay hindi gantimpala. Ito’y hindi premyo na tataya tayo or magpapakabuti tayo at prepremyuhan tayo ng Diyos at ibibigay sa atin ang langit. Ang langit ay hindi gantimpala. Ang langit ay hindi first prize . Ang langit ay hindi rin karapatan. We have no right to go to heaven. Hind ito karapatan na maaari nating angkinin. Bibili tayo ng lote sa La Loma or sa Loyola, bibigyan ka ng certificate. Sa iyo na iyon. Mayroon ka nang karapatan doon. Bibili ka ng bahay. Bibili ka ng lupa. Mayroon tayong kasulatan na magbibigay sa iyo ng karapatan.
Ang langit ay hindi katulad ng lote sa La Loma; hindi katulad ng bahay at lupa na mayroon tayong kasulatan; mayroon tayong karapatan. Hindi ito gantimpala. Hindi ito karapatan, at lalong hindi ito puwedeng bilhin. Hindi ito puwedeng bilhin ng kaliwaan: bigyan kita ng ganito, bibigyan mo ako ng ganoon.
Mga minamahal kong kapatid, tayong lahat ay pupunta sa langit, hindi dahil sa tayo ay mabuti, hindi dahil tayo ay madasalin, hindi dahil matulungin tayo sa kapwa. Sapagkat ang lahat ng ito, pagsama-samahin man natin , ay hindi rin maaring pumantay sa kadakilaan, sa kaluwalhatian, sa kaligayahan ng langit. Samakatuwid, ano ang dahilan kung bahit makakapunta tayo sa langit? Iisa lamang – mahal ka kasi ng Diyos! You are loved by God and you will go to heaven inspite of everything that you have done. My brothers and sisters, you are loved! And because you are loved, you will see God Who loves you. You are loved more than you can ever imagine. And because you are loved more than you love yourself, at the designated time God will show Himself to you."
Hindi karapatan ang langit. Ang langit ay handog. Ang langit ay bigay ng Diyos. Ang langit ay biyaya ng Diyos, walang bayad, walang kapantay. Ang langit ay bigay. Ibinibigay ito hindi dahil tayo ay mabait or banal. Ibinibigay ito dahil mabait ang Diyos sa kabila ng lahat ng ating ginawa, sa kabila ng lahat ng ating kakulangan.
Sa madaling salita, mga minamahal kong kapatid, magsimba tayo araw-araw, magdasal tayo araw-araw. Ang lahat ng ito, kapag walang pagmamahal, ay mawawalan ng kabuluhan sa mata ng Diyos.
Sa EDSA Shrine ay mayroon pong quotation si Cardinal Sin. Sabi po niya: "EDSA was not an act of courage. It was an act of love. Courage is admirable, but only love can redeem."
I paraphrase Cardinal Sin and I say: "Prayers, beautiful prayers; songs, beautiful songs; ceremonies, beautiful ceremonies, are admirable. They are heartwarming. But they cannot save by themselves because it is only love that can save. And the new name of love is GOD. It is only God Who can save and God who is Love. And when we share in the love of God, then we share in the power of God to save."
Mga minamahal kong kapatid, sa araw na ito, sa pag-alaala natin sa mga kapatid nating yumao, alalahanin natin sila hindi lamang sa sunod-sunod na panalangin at mga mabubuting gawa natin. Alalahanin natin sila sa kapangyarihan ng ating pag-ibig, dahil sa kapangyarihan ng pag-ibig tayong lahat ay maliligtas.
Subali’t, paano natin mamahalin ang Diyos? Subali’t paano natin paglilingkuran ang Diyos? If you want to serve God, the new name of God is OTHERS and the person seated beside you is God visiting you. If you want to serve God, do not look at the skies. Look sideways to your left and to your right, because beside you is Jesus standing or seated beside you. Maniwala ho kayo sa akin na ang katabi ninyo sa mga sandaling ito ay si Hesus na dumadalaw sa inyo. Iyan hong ngiti ninyo ay ngiting malisiyoso, at sa ngiting iyan parang nababasa ko ang inyong tanong: "Father, kung si Hesus itong katabi ko, eh bakit ganito ang hitsura nito?" Sasagutin ko kayo: "It takes one to know another."
Kapag hindi ninyo makita si Hesus sa inyong sarili, hindi ninyo makikita si Hesus sa inyong kapwa-tao. Kaya mag-ingat kayo kapag sinabi ninyo: "Hindi ko makita ang mukha ni Hesus sa taong ito. Sinasabi mo lamang sa akin: "Hindi ko makita ang Panginoong Diyos sa aking sarili, hindi ko rin Siya makita sa aking puso." If you have found God in your heart, you will find God everywhere. If you have found God in your heart, you will find God in everybody. And if you find God in everybody, then the kingdom of God is already here. At dito sa lupa tayo ay nakikibahagi sa kalangitan, sa kaharian ng Diyos.
Mga minamahal kong kapatid, pupunta tayo sa langit. Mamamatay tayo. Sama-sama tayong pupunta sa langit, hindi ng dahil sa ating sarili kung hindi ng dahil sa kabaitan ng Diyos. We will all go to heaven, not because we are good, but because we are loved by God Himself!
Transcribed by Edna Agustin
Member: PWHS Core Group
.
![]()
Fore & Aft Newsletter Vol. III No.
10 - October - December 2001![]()
.